Sa Asya ka ba nagmula ? . Kung oo , Alam mo ba ang kasaysayan nito ? . Kilala mo ba ang mga gustong manakop ng ating kontinente ? . Alam mo ba kung ano ang pakay o gusto nila sa Asya ? at higit sa lahat . Kilala mo ba ang mga bayaning Asyano na handang ibuwis ang kanilang sariling buhay para lang sa Asya ?
Ang mga bayani ang nagtanggol sa Asya . Halimbawa na nito ang mga Sepoy . Ginawa nila ang lahat para lang makuha ang sentro ng India sa mga English dahil sa balita na ang bagong cartridge ng ripleng ginagamit nila ay nilangisan ng mantika ng hayop . Dahil dito nag - alsa ang mga sepoy . Isa pang halimbawa ay ang digmaang Anglo-Burmese . Lumaban ang Burma at nilusob ang Assam, Arakan at Manipur . Itiburing ito ng England bilang unang panghihimasok sa India . Ngunit natalo ang Burma dahil sa pinsalang natamo ng pwersa nito sa Arakan at Tenasserim . Dahil sa pagkatalo ng Burma sa England napilitang lumagda sa kasunduan ang Burma . Nasundan pa ng Ikalawa at Ikatlong digmaang Anglo-Burmese ngunit natalo lang ang Burma kaya't sumalakay ang England sa Burma at opisyal na sinakop ito . Naganap naman ang Digmaang Opyo sa laban ng mga tsino at mga English ang laban ay tumagal sa higit tatlong taon ngunit sa huli ay natalo pa din ang China dahil wala silang Hukbong pandagat na pantatag sa England . Ang dahilan ng kanilang sigalot ay mas marami daw ang inaangkat na opyo ang mga tsino kesa magluwas . Tinangkilik ng mga tsino ang Opyo dahil ginagamit din nila ito sa medisina . Isang napaka - galing na bayani ang nagmula sa ating bansa ang nagtanggol sa Asya pati na sa bansa . Si lapu - lapu, nakipag-digma siya sa mga espanyol na kinabibilangan ni Ferdinand Magellan . Si lapu-lapu kasama ang kanyang hukbo ay nakipag laban sa hukbo ni Magellan dahil nais ni Magellan na mapasailalim ang Pilipinas sa kapangyarihan ng Spain . Hindi pumayag si Lapu - lapu at higit na nagalit. Kaya nagdigma sila at nasupil ni Lapu lapu si Magellan . Ngunit kahit ganoon nasakop pa rin ng Spain ang Pilipinas sa loob ng 333 taon . Ang rebelyong boxer ay
isang bayolenteng grupo na anti-foreign, at anti-Christian na itinatag ng
Boxers United in Righteousness. Ito ay itinatag bilang tugon sa imperyalistang
paglawak, sa paglakas ng impluwensya ng kosmopolita at sa misyonerong pagmamataas . Ang Boxers United in
Righteousness ay isang lihim na na lipunang itinatag sa Shandong, isang
hilagang lalawigan ng Tsina. Ang mga taga-Kanluran ay pumupupunta sa
iba’t-ibang lugar upang humanap ng mga batang lalaki na magaling sa martial
arts upang makasama sa kanilang grupo. Kahit alam nilang mas
malakas ang kalaban nila kumpara sa kanila, naniwala pa rin silang maari nilang
matalo ang kanilang kalaban kung sila ay magtiyaga at magsanay. Naniniwala rin
sila na kung magsanay sila maaari silang maging immune sa mga suntok at pasabog
ng kanilang mga kalaban at naniniwala rin sila na may mga “spirit soldiers” na
bababa galing sa langit upang tumulong sa kanila. Sinugod ng lokal na
grupong Boxersang mga misyonaryong
Kristyano na pumunta sa Tsina noong 1899. Nang may pahintulot ng hukuman,
inatake nila ang Hilagang Tsina. Pinatay nila ang mga misyonaro at ang mga
Tsinong Katoliko doon. Ang
paghihimagsik ng mga Boxer ay natigl sa pamamagitan ng isang alyansa ng walong
bansa na binubuo ng Austria-Hungary, French Third Republic, German Empire,
Italy, Japan, Russia, ang United Kingdom at ng United States Natapos
ang paglusob ng dumating ang mga sundalong Indian na pinadala ng German general
Alfred Graf von Waldersee. Noong Setyembre 7,
1901, ang korteng ng Qing ay pinilit na lagdaan ang “Boxer Protocol” o mas
kilala bilang Peace Agreement sa pagitan ng Eight-Nation Alliance at China. Ang tawag sa taiping ay pinakamadugong labanan nang kasaysayan(bloodiest civil war in history)na 20-30 milyon ang namatay. Natalo ng united kingdom ang taiping noong1842 sa kaunaunahang digmaang opyo.